31 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Ilocos Norte

Tatlumpo’t isang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Ilocos Norte, kung saan karamihan sa mga naragdag na bagong kaso ay mga returning residents at returning overseas filipino workers.

Lahat ng mga nabanggit ay pawing naka-isolate na.

Ang Ilocos Norte ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Ilocandia, mula nang mag-umpisang magkaroon ng pandemya sa Ilocos region.

Sa kabuuan ay mayroon nang 265 kaso ng Covid-19 sa Ilocos Norte, 161 sa mga ito ang gumaling, 102 ang active cases at dalawa naman ang namatay.

Ulat ni Butz Asuncion

Please follow and like us: