Taxi driver na si Tomas Bagcal mahalagang testigo sa Arnaiz case ayon sa Malakanyang

Umaasa ang Malakanyang na makakatulong ng malaki ang testimonya ng taxi driver na si Tomas Bagcal sa ikareresolba ng kaso ng pagpatay ng Caloocan police sa biktimang si Carl Angelo Arnaiz.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa pamamagitan ni Bagcal mapapabilis ang paglutas sa Arnaiz murder case na hanggang ngayon ay nababalitan ng kontrobersiya.

Ayon kay Abella interesado rin ang Malakanyang na malaman ang katotohanan dahil iniuugnay ang kaso ni Arnaiz sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga suspek sa kamay ng mga operatiba ng pambansang pulisya.

Nasa hot water ang Caloocan police dahil itinatanggi din ni Bagcal na mayroon siyang sinabi ng mga pulis na naunang sinumpaang salaysay na taliwas sa kanyang salaysay ngayon sa kaso ng pagkamatay ni Arnaiz.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *