Taxi driver na umano’y hinoldap ni Carl Arnaiz, may banta sa buhay

Nakakatanggap na ng banta sa kaniyang buhay ang taxi driver na si Tomas Bagcal.

Ito ay matapos nitong lumantad at aminin na si Carl Arnaiz ang nangholdap sa kanya noong gabi ng pagkamatay nito.

Sinabi rin nitong “scripted” ang pagkamatay ng binata dahil buhay pa ito ng dinala niya sa istasyon ng pulis sa Caloocan.

Ayon kay Bagcal, matapos ang insidente ay may nag-ransack sa apartment niya at may naghahanap umano sa kanya sa kanilang bahay.

Una rito, inamin ni Bagcal na matapos niyang isuko sa pulis ang binata ay pinasunod siya ng mga ito sa kahabaan ng C3 road, at dagliang nakarinig ng mga putok na baril.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng isang religious at human rights group na Rise Up for Life and for Rights si Bagcal, at nangakong sasabihin ang lahat ng kanyang alam sa tamang lugar, gayundin tutulungan niya ang pamilya ni Arnaiz na makamit ang hustisya nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *