TD Amang, humina na bilang LPA

Isa na lamang Low Pressure Area (LPA) ang Tropical Depression Amang.

Gayunman, sa latest bulletin ng PAGASA, asahan pa rin ang minsan may kalakasang pag-ulan sa mga probinsiya ng Rizal at Quezon sa susunod na 24 oras.

Nagbabala rin ang PAGASA sa mga posibleng pagbaha at landslides sa mga hazard prone area.

Sa 10:00 am bulletin ng PAGASA, namataan ang LPA sa karagatan ng Polilio islands sa Quezon.

Ang bagyong Amang ay ang unang bagyong pumasok sa bansa ngayong taon na nagdulot ng mga pagbaha sa Bicol Region partikular sa Camarines provinces.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *