Telcos ipapatawag ng NTC para sa guidelines ng SIM registration

Ipapatawag ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kinatawan ng mga telecommunication company (telcos) sa bansa.

Ayon kay NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, ito ay para talakayin ang guidelines upang mas mapadali pa ang proseso ng SIM registration at mahikayat ang mas maraming Pinoy na magrehistro ng kanilang SIM cards.

Courtesy: Radyo Agila

Sa isang memorandum na pirmado ni Lopez, inatasan rin nito ang mga telcos na maipatupad ang 90-araw na extension para sa SIM registration.

Sa halip na nitong Abril 26 ay nai-extend hanggang sa Hulyo 25 ang deadline ng SIM registration.

Nabatid na maliban sa hiling ng telcos ay nagbigay rin umano ng rekomendasyon ang NTC sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para rito.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *