Telecom & Construction Co., nabulabog sa bomb threat sa Malabon City

Isang Telecom & Construction Company ang nabulabog sa bomb threat sa Brgy. Tinajeros Malabon City bandang alas 6:20 kaninang umaga.

Ang nasabing bomb threat ay natanggap ng mobile hotline number ng Barangay Tinajeros sa pamamagitan ng text message. Agad naman nitong inabisuhan ang nasabing kompanya maging ang mga awtoridad.

Agad rumesponde ang Philippine National Police (  PNP )Explosive Ordinace Disposal (EOD) team at Bomb Detection group sa pangunguna ni P/MS Amadeo Ponpon. Ininspeksiyon at inikot ang buong gusali ng kompanya para alamim kung mayroon ba talagang bomba sa loob ng gusali.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon at visual inspection ng mga awtoridad, wala namang natagpuang bomba at kahina-hinalang bagay sa buong gusali. Bandang alas 10:00 ng umaga nang ideklarang cleared o ligtas na ang nasabing kompanya.

Mark Leo Pernia/ Edison Domingo

Please follow and like us: