Terrorist attack sa Barcelona, apat na Pinoy ang nadamay

Nadamay sa nangyaring pag-atake ng mga terorista sa Barcelona, Spain ang apat na Pilipinong nagbabakasyon doon.

Ayon kay Consul General Dr. Emmanuel Fernandez ng Philippine Embassy sa Madrid, Spain ang 4 na Pinoy ay miyembro ng isang pamilya.

Nasa Ospital del Mar sa Barcelona ang ama na kinilalang si Norman Putot na nabangga sa tagiliran at anak na si Daniel, 5-taong gulang na nagtamo ng seryosong pinsala sa kanyang tuhod.

Sinabi ni Fernandez na minor lamang ang tinamong sugat ng ama ngunit kinakailangang operahan ang anak na si Daniel dahil sa knee injury nito.

Ipinabatid ni Fernandez na ligtas naman ang inang si Federlita at isa pang anak na babae na kinilalang si Pearl.

Mula sa Cebu ang mga biktima ngunit naninirahan na sa Ireland at nasa Barcelona Spain lamang para magbakasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *