Testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascañas sa Senado magulo ayon sa Malakanyang

Lalo lang nahayag na paninira lamang kay Pangulong Duterte ang naging testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascañas sa muling pagharap nito sa imbestigasyon ng Senado sa isyu ng Davao Death Squad o DDS.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na nabuko tuloy si Lascañas na nagpapagamit lamang ito sa kanyang mga handler na pawang kontra kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo kontra-kontra ang mga pahayag ni Lascañas na lalong gumiba ng kanyang kredibilidad bilang isang testigo.

Inihayag ni Panelo na maging ang mga senador ay nabisto si Lascañas na hindi ito nagsasabi ng totoo kaya pinutol na ni Senador Panfilo Lacson ang imbestigasyon dahil wala ng bago sa testimonya ni Lascañas.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: