Thailand tiniyak na tutulungan ang Pilipinas sa human trafficking situation sa Mekong Region

Nangako ang Thai governors sa Embahada ng Pilipinas sa Thailand na tutulong ang mga ito sakaling may mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Mekong Region.

Nag- courtesy call si Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz Paredes kina Thai Governor Wanchai Kongkasame ng Udon Thani at Governor Suwit Chanhaworn ng Nong Bua Lam Phu.

Courtesy: DFA

Sa kaniyang pagharap sa Thai officials, umapela si Ambassador Paredes na tulungan ng mga ito ang Pilipinas sa paglaban nito sa human trafficking.

Siniguro ni Governor Wanchai sa Pinay envoy na aagapay ang pamahalaan ng Udon Thani sa sinumang distress Filipinos.

Tiniyak din ni Governor Suwit sa ambassador na suportado ng kanilang lalawigan ang embahada at agad nilang ipagbibigay alam ang mga insidente ng trafficking ng mga Pilipino sa lugar.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *