Tinangka ring i-hack ang website ng Senado matapos ang Cyber Attack sa website ng Kamara

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, nagsawaga sila ng mahigpit na monitoring matapos ang hacking incident sa Kamara at nakumpirmang susunod sanang target ang Senado

Sa report ng kanilang Information Technology team, tumaas ang pagtatangka na atakihin ang kanilang website nitong Linggo

Patuloy aniyang naka-alerto ngayon ang kanilang IT team at naglagay na ng perimeter at application wall sa Senate website.

Sinabi ni Bantug na sa panahon ngayon ng modernong teknolohiya, nagiging karaniwan na ang pagtatangkang mapasok ang website kaya patuloy rin ang kanilang ginagawang paghihigpit sa seguridad

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *