Train bombing sa Russia, sinadya para ipahiya si Putin

Sinadya ng suspek ang madugong pagpapasabog sa train station sa St. Petersburg subway sa Russia.
Ayon sa isang Russian expert malinaw na senyales ito para ipahiya si Russian President Vladimir Putin sa publiko dahil nasa malapit lamang itong na lugar ng mangyari ang insidente.
Sinabi ni Royal United Services Institute associate director Jonathan Eyal hindi lamang coincidence ang naturang krimen na nangyari sa hometown ng kanilang presidente.
Nabatid na nasa St. Petersburg si Putin para makipagkita kay Belarusian leader Alexander Lukashenko nang sumabog ang bomba sa istasyon ng tren na ikinamatay ng 14 at ikinasugat ng 49.
Kinilala na rin ng mga otoridad ang suspek na isang Kyrgyzstan national na si Akbarzhon Jalilov, 22-anyos.