Tricycle driver patay matapos bumangga sa kasalubong na L300 Van sa Binmaley, Pangasinan

Dead on the spot ang tricycle driver na matapos itong bumangga sa kasalubong na L300 sa National Hgh way ng Brgy. Biec, Binmaley, Pangasinan

Batay sa imbestigasyon ng PNP Binmaley, ang L300 van na isang service vehicle ng MDRMC Lingayen na minamaneho ni Dante Trinidad Pecson kasama ang dalawang taong gulang na pasyenteng si Hunter Lee Santillan, nurse na si Nelvic Moreno at kaanak na sina Jeffrey Diaz at Cristian Idos ay ililipat ang pasyente sa ospital sa Dagupan City.

Ang tricycle naman na minamaneho ni Mariano Calderon ay galing sa Dagupan City patungong bayan ng Binmaley kasama ang mag inang pasaherong sina Crispin at Clarise Busto Garcia.

Mabilis ang naging takbo ng tricycle at sinakop nito ang linya ng L300 van na nagsanhi ng head on collision accident.

Ayon pa sa PNP Binmaley, dahil sa impact ng banggaan ay humiwalay ang motorsiklo sa sidecar at tumilapon ang tricycle driver na si Calderon sa ilalim ng L300 van.

Agad namang itinakbo ng mga rumespondeng pulis ang mga involved sa aksidente sa mga kalapit na ospital upang malapatan ng lunas ang mga natamong pinsala at ang driver naman ng L300 van ay nakalaya matapos magkausap ang magkabilang panig at nauwi sa areglo

Payo ng mga otoridad sa mga motorista na sumunod sa mgs ipinaiiral na safety guidelines sa pagmamaneho upang makaiwas sa ganitong aksidente

Ulat ni Herminio Diano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *