Truck naaksidente mga kargang baboy tumilapon sa kalsada

Isang truck na magde-deliver sana ng mga baboy sa Cavite, ang naaksidente at tumagilid sa kahabaan ng C3, Road 10 sa Navotas City.

Bunsod nito, 160 mga baboy ang tumilapon sa kalsada.

Nabatid na galing ng General Santos ang mga baboy at ipinatimbang lamang ang truck sa C3.

Sa nangyaring aksidente ay 44 sa 160 baboy ang namatay matapos madaganan at maipit.

Ulat ni Edison Domingo, Jr.

Please follow and like us: