Mga PWD’s nakatanggap ng ayuda mula sa mga opisyal ng SK ng Brgy. Neogan, Tagaytay City Cavite


Sa layuning makatulong sa mga nangangailangan sa panhon ng pandemiya bunsod ng Covid 19. 
Namigay ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Neogan sa Tagaytay City Cavite ng tig-isang tray na itlog at tig-limang kilong bigas sa mga Persons with Disability PWD sa kanilang lugar. 
Layunin ng mga opisyal ng barangay na matulungan ang mga higit na nangangailangan lalo na ang mga PWD sa kanilang barangay sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa bunsod ng Covid 19.

Labis naman ang pasasalamat ng mga PWD na nakatanggap ng tulong mula sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa kanilang lugar. 

photo courtesy: SK officials and SK Pres. Maricar Gatpandan
Please follow and like us: