Umano’y panibagong anomaly sa fertilizer para sa rice program ibinunyag ni Senador Raffy Tulfo

Ibinunyag ni Senador Raffy Tulfo ang umanoy panibagong anomalya sa fertilizer para sa rice program ng gobyerno sa ilalim ng Department of Agriculture.

Nais ni Tulfo na paimbestigahan sa Senado bakit tila iisang kumpanya umano ang nakakakuha ng kontrata para sa fertilizer ng Department of Agriculture

Sa budget hearing para sa hinihinging pondo ng DA, tinukoy ni tulfo ang kumpanyang Universal Harvester na ilang beses nang pumalpak pero paulit ulit na nakakakuha ng kontrata sa DA.

Batay aniya sa impormasyon ng internal audit service para sa pondo ng DA sa fertilizer, lumitaw na ang Universal Harvester ang nakakuha ng kontrata sa milyon milyong halaga ng fertilizer

“Nag-isyu ang DA ng notice to proceed tungkol sa fertilizer na nanalo sa bidding Universal Harvester and yet pagdating ng may 30 – 300 lang bags na-deliver may 31- 1k bags ang nasa kontrata 40k bags.” pahayag ni Senador Raffy Tulfo.

Sa pagsusuri ng Senado ang Universal Harvester ay pag aari ng isang Dr. Milagros Ong Hao, isang wholesaler ng agricultural products na nakabase sa Quezon City.

Isa sa tinukoy ng Senador ang 230 million na halaga ng pataba noong 2022 sa Region 9 na hindi idinaan sa bidding sa halip ay nag isyu lamang ng purchase order

“The following year – nagkaroon ng bidding Universal Harvester na naman napakalakas naman nitong si Universal Harvester Usec. Sebastian baka may alam ka dito – dapat may alam ka ikaw ang Usec eh paulit ulit na lang Region 3, Region 4a Universal Harvester paulit ulit na nanalo sa abidding pinapasali dapat blacklisted na ito whats going on.” dagdag pa ng mambabatas

Sa impormasyon rin ng Senador, tinangkang inspeksyunin ng mga taga DA ang warehouse ng Universal Harvester para makita ang mga fertilizer pero hindi sila pinapasok

Sabi ng Senador dapat may makasuhan ng plunder hinggil dito dahil napakalaking halaga ng nagastos para dito.

Humarap sa pagdinig ang opisyal ng DA sa region 9 pero wala raw siyang alam sa isyu dahil bago lang sya sa posisyon na hindi kinagat ng senador

“Alam ninyo naman na paulit ulit na pumapalpak dapat blacklisted na ito palagi sumasalo at nananalo kasi bago ka, ikaw naman niloloko mo kami ginagaw amo kaming tanga who just born yesterday you have to do due diligence cross matching sino ba supplier ninyo ano ba record nito as simple as that nag tsek kayo.” paliwanag pa ni Senador Tulfo

Inamin ni Usec Domingo Panganiban na ngayon niya lang narinig ang impormasyon at nangakong iimbestigahan ang iysu

“I don’t know about the allegations but I’m assuring you we shall do something about it this is the only time that i learn about this anomaly I’ll attend to that.” wika ni Usec. Domingo Panganiban

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *