Unang araw ng filing ng certificate of candidacy sa lalawigan ng Quezon, matumal

Mangilan-ngilan lamang ang naghain ng kanilang kandidatura, sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy o COC sa branch ng COMELEC sa Quezon province.

Una sa naghain ng kaniyang kandidatura si Quezon 1st district incumbent board member Jerry Tagala, at ang aspirante sa pagka board member na si Emerson So.

Samantala, naghain din ng kaniyang kandidatura sa pagka Gobernador sa Quezon si Salvador Dungaran ng Phil. Green Republican Party.

Ayon kay Quezon Province COMELEC spokesperson Roberto Lozano, inaasahan nila ang pagdagsa ng mga kandidato sa susunod na mga araw.

Sa ngayon ay wala pa namang malinaw na petsa kung kailan maghahain ng kanilang kandidatura, ang may malalaking pangalan sa pulitika sa Quezon, gaya ng mga Suarez, Alcala, Enverga at Tan

Allan Llaneta

Please follow and like us: