Unvaccinated workers,oobligahin ng mga Metro manila Mayors na magpaswab test

Oobligahin na ng mga alkalde sa Metro manila ang mga manggagawang hindi pa bakunado na magpaswab test.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos , hindi pipigilan na lumabas ang mga manggagawa na wala pang bakuna dahil essential ang trabaho.

Gayunaman kailangan nilang sumunod sa patakaran ng IATF na dapat regular na sumailalim sa swab test na personal nilang sasagutin at hindi sa mga employer.

Nilinaw naman ni Abalos na pilot implementation pa lamang ang mga paghihigpit sa mga hindi bakunado para mapigilan ang pagkalat ng virus sa Metro manila.

Giit ni Abalos batay sa datos mga hindi bakunado ang nahahawa at naoospital dahil sa virus.

Meanne Corvera

Please follow and like us: