Vaccine Panel of Expert ng Pilipinas, hindi masusuhulan ng Sinovac- Malakanyang

Tiwala ang Malakanyang na hindi masusuhulan ng Sinovac ng China ang mga Vaccine Panel of Expert ng Pilipinas.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa lumabas na report na may isyu umano ng panunuhol ang mga Executive ng Sinovac ng China para maaprubahan ang kanilang bakuna.

Ayon kay Roque hindi isasakripisyo ng mga vaccine expert ng bansa ang kaligtasan ng sambayanang Filipino sa bibilhing bakuna laban sa COVID 19.

Sinabi ni Roque tiwala ang Malakanyang sa integridad ng mga Vaccine Expert  sa bansa.

Inihayag ni Roque ang panel of expert ay pinili mismo ng Department of Health o DOH at Food and Drug Administration o FDA.

Vic Somintac
Please follow and like us: