Video message ni VP Robredo, bahagi ng destab plot vs. Duterte – Speaker Alvarez

Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na bahagi ng destablization plot kay Pangulong Rodrigo Duterte  ang video message ni Vice President Leni Robredo.

Sa nabanggit na video message, sinabi ni Robredo na siya mismo ang magdudulog  sa United Nations ng sitwasyon ng bansa kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra droga ng Duterte administration.

Sa panayam ng programang Liwanagin Natin, sinabi ni  Alvarez na ang sinasabing expose’ ni VP Robredo ay  nagpapahayag ng ambisyon nito na palitan si Pangulong Duterte sa puwesto dahil ang lahat ng kaniyang mga sinabi ay pawang kasinungalingan.

Payo ni Alvarez sa Bise Presidente, mas mainam  na tutukan na lamang nito ang pagtulong sa mga mamamayan  para mapabuti ang kalagayan ng ekonomiya at ng kabuuan ng bansa.

 

 

Please follow and like us: