Vintage bombs na natagpuan sa San Nicolas shoal, na-secure na ng PCG

Dalawang vintage bomb ang nakuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng soil sampling sa San Nicolas Shoal sa Cavite.

Ayon sa PCG, matapos makita ang vintage bombs agad itong itinawag sa kanila ng crew ng MV Vasco Da Gama.

photo courtesy: PCG

Kaya naman agad ipinatigil ang ginagawang soil sampling operations hanggang sa dumating ang team mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Disposal.

Agad rin namang na-neutralize ang bomba at dinala sa disposal area ng PCG sa Maynila.

Madz Moratillo

Please follow and like us: