Virgin Coconut oil , mabisang panlaban sa mild cases ng COVID-19 – DOST

Napatunayan sa ginawang pag- aaral ng Department of Science and Technology o DOST na ang pag-inom ng Virgin Coconut Oil o VCO ay nababawasan ang sintomas ng COVID-19.

Sa laging handa public briefing sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra na sa mga sumali sa pag-aaral na may mild na kaso ng COVID-19 gamit ang VCO ay hindi na naging severe pa ang kanilang kondisyon bagkus ay mas maaga o mabilis silang gumaling.

Ayon kay Guevarra batay sa community trials na ginawa ng DOST naging matagumpay ang ginawang pag-aaral sa epekto ng VCO sa mild na kaso ng COVID-19.

Inihayag ni Guevarra pwede nang ilagay ng manufacturer sa kanilang data na ang VCO ay makakatulong para maibsan ang sintomas ng coronavirus.

Vic Somintac

Please follow and like us: