Voters registration hanggang Abril-29 na lang-COMELEC

Nanawagan ang COMELEC sa publiko na samantalahin ang pagkakataon na makapagparehistro para sa darating na halalan sa Oktubre ngayong taon.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ang voters registration ay hanggang Abril a bente-nueve na lamang.

Sabi pa ni Bautista na huwag nang hintayin pa ang last minute registration dapat aniya na magtungo na sa mga pinaka malapit na satellite registration kung saan malapit na munisipyo sila nakatira.

Aniya, dapat ang bawat isa ay makilahok dahil ang pagboto ay isang obligasyon ng bawat mamamayan.

Ulat ni: Jet Hilario

Please follow and like us: