VP Robredo, posibleng sampahan pa ng patung-patong na impeachment complaint sa Kamara

Posibleng magpatong-patong pa ang mga ihahaing impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang ibinabala ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles makaraang ibunyag nito na may isa pang reklamo ang posibleng ihain sa Agosto.

Nakuha  ng mambabatas ang impormasyon mula sa ilang mapagkakatiwalaang source at sinabing kilala niya ang nasa likod nito, ngunit tumanggi na siyang magdetalye pa.

Una nang nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na magsasampa ng impeachment laban kina Robredo at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hulyo 24.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *