Walang Pinoy na napinsala sa pag-atake ng Houthi ayon sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia

Water is sprayed by fire brigades toward the smoke and flames rising from a Saudi Aramco oil facility in Saudi Arabia’s Red Sea coastal city of Jeddah, on March 25, 2022, following a reported Yemeni rebels attack. Yemeni rebels said they attacked a Saudi Aramco oil facility in Jeddah as part of a wave of drone and missile assaults as a huge cloud of smoke was seen near the Formula One venue in the city. / AFP

Sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia, na walang Filipino nationals na napinsala sa mga bugso ng pag-atake ng Houthi rebels sa Jeddah noong March 20 at 25.

Ayon sa statement ng embahada . . . “The Embassy and the Philippine Consulate General in Jeddah will continue to coordinate with local authorities and the Filipino community to ensure the safety and security of Filipinos in the Kingdom.”

Lunes ng nagdaang linggo, ay inatake ang refinery ng Saudi Aramco, isang public petroleum and natural gas company na nagbunsod para mabawasan ang produksiyon nito.

Ipinahayag ng foreign ministry ng Saudi Arabia na hindi nila aakuin ang anumang responsibilidad sakaling magkaroon ng kakulangan sa langis dahil sa mga pag-atake ng Yemeni rebels na Houthi. Nagbabala ang bansa na ang mga pag-atake ay isang “direktang banta” sa suplay ng langis sa buong mundo.

Sinabi ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC), na ang Saudi Arabia ay may humigit-kumulang 17% ng mga reserbang petrolyo sa mundo.

Ang mga miyembro ng OPEC cartel ay inatasang dagdagan ang produksyon matapos ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine, na sanhi para ma-pressure ang pandaigdigang suplay at nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

Biyernes noong nakalipas na linggo, ay nagpakawala ang Houthi rebels ng batches ng ballistic at winged missiles at drones sa kanilang mga target sa Saudi.

Kasama rito ang mga oil refinery, “mga mahahalagang pasilidad” sa kabisera na Riyadh, at mga pasilidad ng Aramco, na tumawag ng pandaigdigang atensyon, nang magsimula iyong magbuga ng usok na nakita sa isang televised practice ng Formula One session na isinasagawa malapit sa lugar.

Ang mga Pinoy sa Saudi Arabia ay inatasang bantayan ang security advisories at kontakin ang Philippine Consulate General sa Jeddah sakaling magkaroon ng isang emergency.

Ayon sa pahayag ng Philippine Embassy sa Saudi Arabi . . . “The Philippines joins the community of nations in its collective condemnation of these attacks and calls for cessation of violence against civilians.”

Sa Yemen, isang koalisyon na pinamumunuan ng Saudi ang nagsagawa ng mga airstrike sa kabisera na Sana’a nitong Linggo, matapos magpatawag ng tatlong araw na pahinga ang mga rebeldeng Houthi at nanawagan ng permanenteng tigil-putukan, kapalit ng paghinto ng Saudi Arabia sa kanilang airstrikes at blockade sa Yemen.

Hiniling din ng Houthi rebels na paalisin na ng Saudi Arabia ang “foreign forces.”

Ang hidwaan sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran-backed Houthi rebels ng Yemen, ay nagpapatuloy simula pa noong 2015 na ikinasawi na ng daan-daang libo.

Tinanggihan ng Houthis ang mga alok ng usapang pangkapayapaan sa Riyadh, na nakatakda sanang isagawa sa mga susunod na araw.

Please follow and like us: