Walang tagtuyot sa bansa – PAGASA

Walang inaasahang tagtuyot sa pagpasok ng panahon ng tag-init sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ng PAGASA, kasunod na rin ng mga pangamba sa dry spell o drought, lalo’t ngayon pa lang ay ramdam na ang matinding init kahit hindi pa opisyal na idinedeklara ang summer.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng sa susunod na linggo ay magtatapos na ang amihan, na hudyat  na ng pagsisimula ng tag-init.

Ang drought ay nangyayari kapag mababa ang naitatalang antas ng ulan, bagay na nakakaapekto para magkaroon ng mahinang ani sa agricultural products.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *