Wanted na sex convict sa US, arestado ng BI sa Sultan Kudarat

Natimbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Amerikanong sex offender na wanted sa Texas dahil sa mga kinakaharap na kasong kriminal.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nadakip ng fugitive search unit ng BI si Steven Wayne Riley, 54 anyos sa Isulan, Sultan Kudarat.

May warrant of arrest na inisyu ang district court Denton, Texas laban kay  Riley noon pang Enero.

Bukod sa pagiging sex convict siya ay nahaharap din sa iba pang kasong kriminal gaya ng assaulting and stalking ; disturbance of public peace; harassment; drunk driving at misdemeanor.

Una na ring ipinawalang bisa ng US State Department ang pasaporte ng Amerikano kaya siya ay isang undocumented alien.

Ayon sa BI, sa oras na madeport ang dayuhan siya ay ilalagay sa blacklist at pagbabawalan ng makapasok ng bansa.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us: