War on drugs ng pamahalaan, tuloy – Pres. Duterte

“The fight against illegal drugs will continue”.

Ito unang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang State of the Nation address o SONA na tumagal ng halos dalawang oras.

Ayon sa Pangulo, hinding-hindi luluwagan ng kaniyang administrasyon ang kampanya kontra droga at tatapusin niya ang problemang ito dahil ito ang ugat ng kasamaan at paghihirap ng mga Pilipino.

Hindi rin aniya siya patitinag sa kabila ng mga kabi-kabilang mga batikos partikular sa international community at human rights group.

Kasabay nito, hinamon rin ng Pangulo ang mga kritiko ng kaniyang anti-drug war na gamitin ang kanilang impluwensiya upang magkaloob ng edukasyon sa mga kabataan sa kasamaang dulot ng iligal na droga kaysa manisi at batikusin ang mga otoridad sa mga krimeng nagaganap sa bansa.

Nagbanta rin si Duterte sa mga nasa likod ng sindikato ng droga na mamili, kung kulungan o sa ibang lugar na hindi nila magugustuhan.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *