Watawat ng Pilipinas sa Malacañang, naka-half mast

Bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino, inilagay sa half mast ang bandila ng Pilipinas sa Malakanyang.

Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagpanaw ng dating lider.

Ayon kay Roque, kinikilala ng gobyerno ang naging kontribusyon ni Aquino sa pamumuno sa bansa.

Please follow and like us: