Worldwide Lingap sa Mamamayan ng Iglesia ni Cristo, isinagawa sa Sta. Barbara Bulacan

Nasa isang libong indibidwal ang nakinabang sa ipinamahaging goodwill bags sa Sta .Barbara, Bulacan.

Hindi naging hadlang sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang magsagawa ng worldwide Lingap sa mamamayan sa kabila ng hagupit ng bagyong Paeng.

Pinangunahan ni 2nd district Supervising Minister Arnel Basilio katuwang ang iba pang ministerial worker ng INC ang naturang aktibidad.

Tampok din sa isinagawang Lingap ng Iglesia, ay ang pag-aaral ng mga salita ng Dios na nakabatay sa Biblia.

Kabilang sa mga naging panauhin sa naturang aktibidad ng Iglesia, ay mula sa bayan ng Sta.Barbara, Sto.Cristo,Brgy. Balucuc, San Jose, Pagasa, Bustos, San pedro at Brgy. Tenejero.

May kalamidad man o bagyo, ang INC ay patuloy sa pagtulong sa mga nangangailangan dito man sa bansa o sa ibayong -dagat.

Jimbo Tejano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *