X Account ng PCG , nakompromiso
![](http://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2022/10/PCG-LOGO-1024x1024.jpg)
Nakompromiso ang X account ng Philippine Coast Guard.
Ito ang kinumpirma ni PCG matapos mawala ang lahat ng tweets sa kanilang official X account.
Kung titingnan ang “likes” ng nasabing PCG account kanina makikita na puro patungkol sa bitcoin lang ang ni-like nito.
Hindi naman nagbigay muna ng iba pang detalye ang PCG dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon.
![](https://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2024/02/pcg1-960x295.jpg)
Binalaan naman ng PCG ang publiko sakaling makatanggap ng tweet mula sa nakompromisong account.
![](https://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2024/02/pcg-2-960x294.jpg)
Nananatili namang “working” ang facebook page at website ng PCG.
Pasado alas onse ngayong umaga, sinabi ng PCG na nabawi na nila ang access sa nasabing account.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: