Zamboanga del Norte, nakapagtala ng 12 bagong kaso ng Covid-19

Naragdagan pa ng 12 ang kaso ng Covid-19 sa Zamboanga del Norte.

Batay sa update na inilabas ng Task Force Covid-19 sa lalawigan, apat sa kaso ay nagmula sa Dipolog City, apat sa Bayan ng Piñan at tig-dalawa sa bayan ng Siayan at Dapitan City.

Kasalukuyan nang naka-isolate ang mga nagpositibong indibidwal at isinagawa na ang Contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.

Sa kabuuan, umaabot na sa 692 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa lalawigan.

Muli ring nagpaalaala ang Inter-Agency Task Force ng lalawigan sa mga residente na laging sundin ang mga ipiantutupad na health ay safety protocol.

Ralph Alicante, EBC Correspondent

Please follow and like us: