24 na lugar sa Quezon city , nasa ilalim ng special concern lockdown

224900199_631384728249288_6931002055971045485_n

Nasa ilalim ng special concern lockdown ang ilang piling lugar sa Quezon city.

Ayon sa Quezon city government , nasa dalawamput-apat na lugar ang nakalockdown na sa lungsod.

Binabantayan na amhigpit ang mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

May mga partikular na lugar lamang na kabilang sa special concern lockdown at hindi buong barangay.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

Sasasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.