Wild fire sa California, lalong lumalawak

Pinalawak pa ang evacuation orders sa California dahil sa patuloy na paglaganap ng wildfire doon.

Patuloy ang paglawak ng Dixie fire na pinalakas pa ng malalakas na hingin at record – low humidity.

Umabot na ang sunog sa historic mining town ng Greenville.

Lubhang napinsala ng sunog ang downtown greenville , isang settlement ng pamilya ng mga minero mula pa noong mid -1800s gold rush.

Ayon sa mga awtoridad , nasa limang daang square miles na ang napinsala ng sunog.

Samantala , nasa limang libong personnel na ang nagtutulong – tulong para apulain ang wild fire.

Agence France Presse

Please follow and like us: