3 Chinese national na sangkot sa kidnaping for ransom, arestado sa Makati City, biktimang Vietnamese nailigtas

0

Arestado ng mga tauhan ng Makati City police ang 3 Chinese national na sangkot sa kidnapping at panghahalay sa isang Vietnamese national.

Photo courtesy of SPD

Ayon kay Col. Jean Dela Torre, hepe ng Makati City police, madaling araw nitong Biyernes nang humingi ng tulong sa kanila ang kaibigan ng biktima, kaya agad nilang ikinasa ang operasyon sa safe house ng mga suspek.

June 2 pa nang dukutin ng mga suspek ang biktima sa isang condo unit sa Brgy. Bel-air at dinala sa isang condominium sa Brgy. San lorenzo, kung saan umano ito hinalay ng tatlong suspek.

Pagkatapos ay ibiniyahe umano ang biktima sa Tagaytay kung saan ginahasa ulit ito ng dalawa pang Chinese national.

Pagbalik sa Makati, dito na umano tinawagan ng mga suspek ang asawa ng biktima sa Vietnam at ipinatutubos sa 5 million Dong o katumbas ng 1 million pesos.

Mabuti na lang at natawagan nito ang kanilang kaibigan na siya namang humingi ng tulong sa mga pulis.

Nabawi sa mga suspek ang 2 baril, ilang sachet ng shabu at mga pekeng pera.

Photo courtesy of SPD

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong kidnapping for ranson, illegal possession of firearms, paglabag sa dangerous drugs act at kasong rape.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *