Davao City, pinarangalan para sa daycare service
Tumanggap ang Davao City ng national 2021 Gawad Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) Award, para sa Best LGU (local government unit) Implementing Day Care Service Category mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isang pahayag ay sinabi ng city government, na ang award ay tinanggap ng Davao City Social Welfare and Development Office, ng Preschoolers and Children’s Concerns Division (PSCCD) Chief na si Gilda Dela Gente-Salvaña at Dr. Melodina Pardiollo sa Batasan Complex, Quezon City.
Sinabi ni Salvaña na nakapasa ang lungsod sa requirements na itinakda ng DSWD para sa daycare services na kinabibilangan ng one barangay, one daycare center; dapat 85 percent ng mga barangay ay may functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC); dapat mayroong Investment Plan For Children; dapat ay hindi bababa sa 80 percent ng daycare workers ang accredited; ang salary ng daycare workers ay dapat nasa Salary Grade 6 man lang o mas mataas pa; dapat ang enrollment/participation rate ng mga bata ay nasa 90 percent; dapat ay mababa ang bilang ng dropouts; dapat ay nagsasagawa ng capability building para sa daycare workers; at nago-organize ng daycare parents.
Nalampasan ng siyudad ang standard number na isang daycare center per barangay, na may kabuuang 684 existing daycare centers, kung saan 558 daycare centers ang mayroong gusali at 126 ang home-based.
Ang Davao City ay may 182 barangays.
Ayon kay Salvaña . . . “Davao City complied with the requirements requested from us. But with and without this commendation, Davao City is already at par in the implementation of our daycare services.”
Bukod sa lumampas ito sa bilang ng barangay daycare centers, 81 percent ng daycare workers ng lungsod ay accredited ng DSWD at karamihan sa mga ito ay plantilla o regular employees.
Noon lamang 2020, ang siyudad ay naglaan ng kabuuang P116.4 million budget para sa operasyon ng daycare services.
Dagdag pa ni Salvaña . . . “The early childhood education is valuable for children because lack of time and attention to children in early childhood could place the children at risk.”