Malaking pinsala iniwan ng bagyong Tino sa Cebu

0

Nagdulot ng malaking pinsala ang bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu.

Binaha ang mga lugar sa Cebu City, at nagmistulang  dagat ang kahabaan ng Bgy. Talamban at Bacayan sa Cebu City, kung saan ang mga sasakyan ay tinangay ng tubig baha.

Nagtumbahan ang mga puno at may nasirang pader na nabagsakan ng puno.

Lubog din sa tubig baha ang mga pananim sa Lapu Lapu City, habang nasira naman ang ilang bintana ng mga bahay at may ilang tahanan din na nagiba.

Agad namang rumesponde ang mga kinatawan ng Bureau of Fire para iligtas ang  mga apektadong residente.

Sa Talisay City, may ilang mga residente ang nasa bubong na ng kanilang bahay dahil sa taas ng baha, at may ilang bahagi sa Cebu at Lapu-Lapu City na wala pa ring suplay ng kuryente.

Samantala, nag-anunsyo ang Visayan Electric na anomang oras ay maaari na nilang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa lugar.

Joey Morales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *