Kevin Durant, opisyal nang Rocket, pagkatapos ng NBA first 7-team trade

Kevin Durant / courtesy: Reuters
Kasama na ng Houston Rockets ang NBA star na si Kevin Durant, matapos ang isang record-breaking trade deal na kinasasangkutan ng pitong teams.
Ang hakbang ay unang inanunsiyo noong isang buwan, ngunit nitong Linggo lamang kinumpirma nang opisyal nang magsimula ang bagong taon ng liga.
Ang Atlanta Hawks, Brooklyn Nets, Golden State Warriors, Minnesota Timberwolves at Los Angeles Lakers ay kasali rin sa deal, na kinasasangkutan ng 13 manlalaro at ilang mga draft pick sa hinaharap na pagpapalitin.
Ang nakaraang rekord para sa largest trade sa kasaysayan ng NBA ay anim na koponan, na itinakda sa panahon ng summer nang mapunta si Klay Thompson sa Dallas Mavericks.