River Seine sa Paris binuksan na sa publiko sa unang pagkakataon mula noong 1923

0

People swim in the River Seine at the Bras Marie site after a century-long ban. (Reuters: Abdul Saboor)

Maaari na ngayong legal na maligo sa River Seine ang mga taga Paris, sa unang pagkakataon mula noong 1923 makaraang ipatupad ang century-long ban. 

Naging posible ang pagbubukas nito sa publiko, kasunod nang matinding  clean-up operation udyok nang paggamit dito para maging venue ng 2024 Paris Olympics.

Bubuksan ang tatlong bagong swimming sites sa Paris riverbank, kabilang ang isa na malapit sa Notre Dame Cathedral ng Paris, isa ay malapit sa  Eiffel Tower at ang ikatlo ay sa eastern Paris.

Ayon sa mga lokal na opisyal, ang nabanggit na mga site sa tabi ng pampang ng Seine ay maaaring makapag-accomodate ng higit sa 1,000 swimmers araw-araw hanggang Agosto 31.

Sinabi ni Pierre Rabadan, Paris deputy mayor para sa Seine river, “We’re especially happy to have proved the sceptics wrong and to be able to deliver on the commitments we initially made, on something that was very big and very complicated to achieve.”

Ang reopening ng Seine sa publiko ay kasunod ng isang 1.4 billion euro ($2.52 billion) clean-up project na naka-angkla sa 2024 Olympics.

People swim in the River Seine at the Bras Marie site. (Reuters: Abdul Saboor)

Sinabi ng mga opisyal, na ang ilog ay nakapasa sa European water quality standards. 

Kinumpirma naman ng environmental authorities, na ang bacteria levels ay napakababa kaysa official thresholds.

Magsasagawa naman ng arawang water quality tests sa panahon ng  swimming season, gamit ang green at red flags, tulad nang ginagamit sa  beach safety systems, na nagbibigay ng indikasyon kung ang swimming areas ay bukas o sarado.

Kasama ng tatlong three sites sa loob ng Paris, 14 na swimming areas sa labas ng boundaries ng kapitolyo ang itatayo sa Seine at Marne rivers.

Dalawa sa mga ito ay binuksan na sa Marne noong Hunyo.

Ilegal ang paliligo sa Seine simula pa noong 1923, dahil sa polusyon at panganib na dala ng river navigation. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *