Manila Department of Public Service, muling nanawagan na iwasan at huwag magtapon ng basura sa estero at daluyan ng tubig

0

Courtesy: Manila Department of Public Service (DPS)

Muling nananawagan ang Manila Department of Public Service (DPS) sa mga residente na iwasan o huwag magtapon ng mga basura sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig

Ito’y matapos muling madiskubre ng Manila DPS na marami na namang basura ang itinatapon sa mga estero sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.

Courtesy: Manila Department of Public Service (DPS)

Partikular sa Estero de Kabulusan sa New Antipolo Street, isang creek na malapit sa Manila North Cemetery, Estero de Magdalena sa Mayhaligue Street at iba pa.

Nabatid na umaabot sa higit 20 sako ng basura at burak ang nahahakot ng Manila DPS estero rangers kung saan naiipon ito sa mga trash traps.

Courtesy: Manila Department of Public Service (DPS)

Giit pa ng Manila DPS, posibleng masira ang mga trash traps kung magpapabaya o patuloy na magtatapon ng basura sa mga estero.

Maari itong maging dahilan ng pagbara ng daluyan ng tubig na magiging dahilan ng pagbaha.

Courtesy: Manila Department of Public Service (DPS)

Paalala ng Manila DPS, may katapat na multa at parusa ang sinumang mahuhuling magtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.

Archie Amado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *