Parañaque City magtatayo ng senior high school sa bawat isa sa 16 na barangay ng lungsod

0

Courtesy:  Parananque PIO

Bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng decongestion sa mga kasalukuyang senior high school ng Parañaque, maglalagay na rin nito sa bawat barangay sa lungsod.

Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez, na ang kasalukuyang administrasyon ay nakikipagtulungan ngayon sa mga kaugnay na ahensya ng pamahalaang lungsod.

Iilan na lamang kasi aniya ang natitira sa barangay na wala pa ring senior high school kabilang ang Barangay Marcelo Green, at Merville kung saan kasalukuyang itinatayo ang gusali para rito.

Sa pagtutulungan din aniya ng iba nilang barangay, hindi magtatagal ay magkakaroon na ng senior high school sa labing anim na barangay sa lungsod ng Parañaque.

Dagdag pa ng alklade, isa sa kanilang prayoridad ay mabigyan ng tamang edukasyon ang mga bata na nag-aaral sa lungsod at magiging bukas ito para sa lahat ng Parañaqueños.

Ipinakita ng kamakailang data na ang lungsod ay may humigit-kumulang 24 na public elementary school, 10 high school, at 6 na senior high school sa ilalim ng Parañaque City Schools Division, at dalawang state-run higher educational institutions, ang Parañaque City College at ang Polytechnic University of the Philippines Parañaque campus.

Archie Amado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *