World Humanoid Robot Games sinimulan na sa China

Photo: Reuters
Sinimulan na ng china noong biyernes, ang tatlong araw na World Humanoid Robot Games, na layuning maipamalas ang pag-unlad ng kanilang artificial intelligence at robotics, kung saan dalawangdaan at walompung (280) teams ang kalahok mula sa labing-anim na mga bansa.
Ilan sa paglalabanang mga laro ng mga kalahok na robot, ay ang track and field, football, at table tennis, at mayroon ding robot-specific challenges mula sa pag-sort out ng mga gamot hanggang cleaning services.
Kabilang naman sa kalahok na Teams ay mula sa United States, Germany at Brazil, kung saan isangdaan at siyamnapu’t dalawa sa mga ito ay kumakatawan sa mga unibersidad, habang ang walompu’t walo ay mula sa mga pribadong enterprises gaya ng unitree at fourier intelligence ng china.
Ayon sa Organizers, ang robot games ay isang mahalagang pagkakataon upang makakolekta ng mahahalagang data para sa pag-develop ng mga robot na magagamit sa practical applications gaya ng factory work.
Bilyun-bilyong dolyar ang ipinupuhunan ng China sa humanoids at robotics, dahil nahaharap ngayon ang bansa sa tumatanda nang populasyon at tumitinding kompetisyon sa U.S. pagdating sa advanced technologies.
Katunayan nakapagsagawa na ito ng isang serye ng high-profile robotics events sa nakalipas na mga buwan, gaya ng tinawag nitong world’s first humanoid robot marathon sa Beijing, isang robot conference at ang pagbubukas ng retail stores na dedicated sa humanoid robots.