P1.71M halaga ng droga nakuha mula sa 3 high value target sa Dasmarinas, Cavite

Courtesy : PNP Cavite
Arestado ang tatlong High Value Individual (HVI) matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite.
Ang tatlong suspek ay nakilalang sina alyas “Ow,” alyas “Sop,” at alyas “Jen,” na kapwa residente ng nasabing lugar.
Nakuha sa kanila ang 250 gramo ng hinihinilang shabu na nagkakahalaga ng P1.7M at 500 peso bill na buybust money.

Courtesy : PNP Cavite
Sa pakikipagtulungan ng Dasmariñas Component City Police Station sa Philippine Drug Enforcement Unit Cavite Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.
Nasa kustodiya na ngayon sa Dasmariñas Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Courtesy : PNP Cavite
Manny De luna