Iba’t ibang produkto mabibili sa Mercato na binuksan ng MMDA bilang bahagi ng kanilang 50th founding anniversary

Courtesy: MMDA FB
Bilang bahagi ng kanilang 50th founding anniversary, ay binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Mercato kung saan mabibili ang iba’t ibang lokal na mga produkto.
Bukas sa publiko ang Mercato na nagtatampok ng sari-saring produkto mula sa Kadiwa ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng Department of Agriculture (DA) at mga lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, Navotas, Quezon, Pasig, Valenzuela, at Malabon.

Courtesy: MMDA FB
Kabilang sa mga maaaring mabili ay sariwang gulay, bigas, seafoods, leather goods, condiments, dried goods, suman, chichirya, mga abubot, at iba pang pangangailangan sa abot-kayang presyo.
Ang pagbubukas ng Mercato na nasa harapan ng MMDA Head Office sa Julia Vargas corner Molave Street, Brgy. Ugong, Pasig City, ay pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes.

Courtesy: MMDA FB
Bukas ang Mercato hanggang sa Huwebes, Nobyembre 6.
Pinasalamatan naman ni Chairman Artes ang mga lokal na pamahalaan na nakilahok sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng ahensiya na siksik ng mga aktibidad para sa mga kawani nito.