Ilang biyahe ng bus sa PITX patungong Visayas at Mindoro kanselado

Dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Tino, kanselado ang ilang byahe ng bus papuntang Visayas at Mindoro ngayong araw sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.
Ayon kay Kolyn Calbasa, Senior Corporate Affairs ng PITX, kanselado ang byahe ng Roro bus papuntang Palompon sa Leyte, San Jose Occidental Mindoro, Eastern Samar, at Masbate.
Dahil rito pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag ugnayan sa kanilang bus company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Sa mga pantalan naman, sa monitoring ng Philippine Coast Guard, nasa 120 ports sa buong bansa ang apektado.
Dahil dyan nasa 4,372 passengers, drivers, at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan
May 1,674 rolling cargoes, 83 vessels, at 1 motorbanca ang stranded rin.
Habang may 921 vessels at 593 motorbancas ang naka shelter naman bilang pag iingat sa bagyo.
Madelyn Moratillo