Pagpasok ng Maynilad sa stock market patunay ng tiwala sa Pilipinas ayon sa pangulo

0

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpasok ng Maynilad Water Services, Inc. sa Philippine Stock Exchange o PSE.

Aniya, ito ay malaking tagumpay para sa sektor ng tubig, stock market, at ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng Initial Public Offering  o IPO Listing ng Maynilad, sinabi ng Pangulo na ang hakbang na ito ay nagpapakita ng lumalaking tiwala sa merkado ng Pilipinas at nagpapatibay sa magandang samahan ng gobyerno at pribadong sektor sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo.

Ang Maynilad ang nagsusuplay ng tubig sa West Zone ng Metro Manila at nakatutulong sa milyun-milyong Pilipino.

Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng IPO, mas magiging bukas at responsable ang Maynilad, na magpapalakas sa tiwala ng mga mamumuhunan at makatutulong sa pagpapalawak ng capital markets ng bansa.

Ayon sa Pangulo, ang IPO ng Maynilad ay hihikayat ng mas maraming mamumuhunan habang isinusulong ang transparency at responsableng paggamit ng likas-yaman.

Nakatutulong din ito sa water security at sustainability sa pamamagitan ng pagpapalawak ng serbisyo ng tubig at sanitation ng Maynilad.

Ayon sa pangulo, “We mark today a milestone for our country’s water sector, our stock market, and for our economy. The listing of Maynilad Water Services on the Philippine Stock Exchange is a sign of confidence in our markets and in our people.”

Eden Santos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *