Pang. Duterte hindi ugaling makialam sa trabaho ng ibang departamento na hindi sakop ng Ehekutibo

0
digong

Niliwanag ni Pangulong Duterte na hindi niya ugali na makialam sa trabaho ng ibang departamento ng pamahalaan na hindi saklaw ng executive department.

Sagot ito ng Pangulo sa banat ng kanyang mga kritiko na tila pinabayaan niya si dating Environment Secretary Gina Lopez kaya maging ang kaalyadong Senador ay inilaglag sa Commission on Appointments o CA.

Sinabi ng Pangulo kahit Presidente siya ay iginagalang niya ang prinsipyo ng separstion of powers sa ilalim ng sistemang demokratiko.

Naniniwala ang Pangulo na biktima si Secretary Lopez ng lobby money sa Kongreso.

Si Gina Lopez ang ikalawang cabinet member na casualty sa CA pagkatapos ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na kilalang malapit na kaibigan ng Pangulo.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *