Pangulong Duterte, biyaheng Cambodia, Hongkong at China

0
digong 1

Kasado na ang biyahe ni Pangulong Duterte sa Cambodia, Hongkong at China sa Miyerkules hanggang sa susunod na linggo.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Acting Spokesman Robespierre Bolivar, dadalo si Pangulong Duterte sa World Economic Forum for ASEAN sa Cambodia sa Mayo a dies hanggang a-onse.

Bilang Chairman ng ASEAN ngayong taon, magsasalita si Pangulong Duterte sa pagtitipon kung saan makakasama nya ang dawamput lima pang heads of state.

Inaayos pa ng DFA ang schedule sakaling magkaroon ng bilateral meeting ang Pangulo sa lider ng ibang bansa.

Mula Cambodia, direcho sa Hongkong ang Pangulo para makasalamuha ang mga OFW sa darating na weekend.

 

Tatawid naman sya sa China sa Mayo a-trese para dumalo sa one belt, one road forum ng China hanggang a-kinse na ng Mayo.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *