Malakanyang itinagging may kamay sa acquittal ng CA kayNnapoles sa kasong serious ilegal detention
Mariing itinanggi ng Malakanyang na mayroon itong kinalaman sa pagpapawalang sala ng Court of Appeals kay pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa kasong serious ilegal detention na isinampa ng kanyang pamangkin na si Benhur Luy na tumatayo ding whitleblower sa pork barrel scam.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na walang anomang sweetheart deal sa pagitan ng Malakanyang at Napoles.
Itoy sa kabila na mismong ang oOfice of the Solicitor General ang lumakad sa Court of Appeals para mapawalang sala si Napoles sa kasong serious ilegal detention.
Ayon kay Panelo hindi apektado ng aquittal ni Napoles sa kasong serious ilegal detention ang kasong plunder na kanya ring kinakaharap kaugnay ng pork barrel scam.
Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi sa isa sa kanyang speaking engagement noong February na kung siya ang piskal ay ipadidismis niya ang kaso ni Napoles sa serious ilegal detention.
Pinawalang sala ng CA 12th Division si Napoles sa kasong serious ilegal detention na hinatulang guilty ng Makati Regional Trial Court Branch 150 noong April 2015.
Ulat ni: Vic Somintac