Aguirre, nanindigan na hurisdiksyon ng DOJ ang pagsasailalim ng testigo sa WPP
Nanindigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ang DOJ ang mayroong eksklusibong karapatan para maisailalim ang isang testigo sa Witness Protection Program o WPP.
Iginiit ni Aguirre na gagamitin nila ang nasabing kapangyarihan ng DOJ kung kakailanganin ng pagkakataon.
Dahil dito kung mag-apply aniya si Napoles bilang testigo at kung kwalipikado ito ay handa nila itong gawing state witness.
Sa harap ito ng pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na Haharangin nila ang pagtatangka para gawing state witness si Napoles dahil isa ito sa pangunahing nakinabang ng pork barrel scam.
Sinabi ng kalihim na karapatan ng Ombudsman o ng sinuman na gawin ang nais nitong gawin hanggat wala itong nalalabag na batas.
Ulat ni: Moira Encina