Sen. Cayetano, isasalang ngayong araw sa CA bilang kalihim ng DFA
Haharap ngayong araw si Senador Alan Peter Cayetano sa makapangyarihang Commission on Appointments bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs.
Ayon sa liderato ng Senado, wala silang nakikitang dahilan para maharang ang kumpirmasyon ni Cayetano.
Wala namang naghain ng anumang oposisyon laban sa Senador.
Sakaling makalusot sa CA, maituturing na deemed resigned sa pwesto
si Cayetano.
Kahit si Cayetano, kumpiyansang lulusot sa CA.
Ang nakikita niya lang problema ay ang ibinabatong isyu ng kaniyang citizenship pero 101 percent na kaya niyang patunayan na isa siyang tunay na Pilipino.’
Pero kahit lilipat na sa DFA, hindi mapipilay ang mayorya sa Senado sa pag-alis ni Cayetano.
Ulat ni : Mean Corvera